MARCOLETA, DISMAYADO KAY REMULLA NANG SABIHING HINDI MAAARING MAGING STATE WITNESS ANG MGA DISCAYA

Manila, Philippines – Handang komprontahin ni Senator Rodante Marcoleta si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay sa taliwas nitong pahayag na hindi maaaring maging state witness ang mga Discaya sa kaso ng mga flood control project sa bansa. 

Ayon kay Senator Marcoleta, pinanghawakan niya ang naging sagot ni Remulla na maaaring bigyan ng immunity ang mga Discaya para maging state witness sa kaso ng flood control. 

Ngunit, ikinalungkot niya nang sabihin ni Remulla sa isang pahayag na hindi ito maaaring maging state witness ng hindi ibinabalik ang mga nananakaw na pondo. 

Sang-ayon sa Republic Act no. 6981 in aid of legislation, maaaring ipagkaloob ang aplikasyon kasunod ng rekomendasyon ng legislative committee na sumulat sa Department of Justice (DOJ).

Ang naging pahayag ni Remulla ang siya ring naging basehan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto, na hindi pagbigyan ang rekomendasyon ni Marcoleta.

Bago masibak bilang Chairperson ng Senate blue Ribbon Committee si Senator Marcoleta, ibinunyag na nina Curlee Discaya at Sarah Discaya ang ilang pangalan ng mambabatas na lumalapit sa kanila para sa kickback.

Ngunit sa joint committee hearing sa House of Representative Infra Comm, binawi ni Curlee Discaya na hindi sila nagkaroon ng kahit na anong transaksyon nina House Speaker Martin Romualdez at dating house committee on appropriation chair Zaldy Co.  

Aniya Marcoleta, nasa korte ang pananagutan na beripikahin ang mga impormasyong nakasaad sa sinumpaang salaysay ng mga Discaya, at wala sa Senado. 

Sagot naman ni Secretary Remulla, hindi niya maaaring ipagkaloob ang aplikasyon dahil lamang hiniling o inirekomenda ito ng isang opisyal. 

Binigyang diin niya na kailangan pa ring dumaan sa proseso at marami pa ring mga konsiderasyon ang kailangang isaalang-alang para maging state witness ang mga indibidwal na humihiling nito.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this