MARCOS, BIBISITA SA BRUNEI DARUSSALAM SA SUSUNOD NA LINGGO

Manila Philippines — Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei Darussalam sa susunod na linggo, ito ang kauna-unahang state visit sa Sultanate.

Inaasahang magkaroon ng bilateral meetings ang Pangulo sa mga Bruneian officials, upang palakasin ang bilateral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Brunei.

Nakatakda ang pagbisita ni Marcos sa Brunei sa May 28 hanggang May 29, kasunod ng imbetasyon ng Sultan na siyang pinuno ng Brunei Darussalam.

“While in Brunei, the President will be meeting with His Majesty, the Sultan, who is also Sultan Head of State of Brunei Darussalam. The President will also meet with the Filipino community where he will highlight the contribution of more than 25,000 Filipinos currently residing in Brunei,” ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Ambassador Ma. Teresita Daza sa press briefing ng Malacañang Palace.

BASAHIN: US, PH GAGAMIT NG SATELLITE UPANG I-MONITOR ANG WPS

Ang pagbisita ni Marcos sa Brunei, ay sumisimbolo ng ika-40 taong bilateral na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa na naitatag noong 1984.

Inaasahang malalagdaan din ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei sa pagbisita ni Marcos.

Ang mga kasunduang ito ay may kaugnayan sa sektor ng agriculture, maritime cooperation, torismo at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this