MARCOS, TINIYAK ANG ASSISTANCE SA MGA APEKTADO NG TYPHOON AGHON

Manila Philippines — Tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tulong pinansyal sa mga apektado ng pananalasa ng bagyong Aghon.

Kabilang na rito ang paglalaan ng pondo para sa humanitarian assistance at pondong para pagkain.

Sa isang pahayag sinabi ni Pangulong Marcos nag nakapagbahagi na ang kaniyang administrasyon ng mahigit P1.2 million na ayuda, at nakahanda na rin aniya ang mahigit P3-Billion na standby funds, prepositioned goods na nakalaan para sa mabilis na tulong sa mga apektado ng bagyong Aghon.

“Nagbahagi tayo ng mahigit PhP 1.2 milyong humanitarian assistance, at inihanda natin ang mahigit PhP 3 bilyong halaga ng standby funds at prepositioned goods at stockpiles, upang masiguro ang mas malawak at mabilis na tulong para sa ating mga kababayang apektado ng bagyong #AghonPH,” sabi ni Marco sa isang pahayag.

READ: https://pco.gov.ph/news_releases/pbbm-extends-php1-2-m-humanitarian-aid-allots-php3-billion-standby-fund-for-aghon-hit-areas/

Kinumpirma ng mga otoridad sa Quezon Province na tatlong katao ang nasawi kabilang na pitong buwang sanggol sa kasagsagan ng bagyo.

Sa tala ng National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) nasa pitong katao na ang nasugatan bunsod ng pananalasa ng bagyon.

Aabot na sa halos 20,000 katao ang apektado dahil sa bagyo, katumbas nito ang nasa 8,465 na pamilya sa 158 barangay sa Luzon at Visayas.

Dahil pa rin sa bagyong Aghon nananatiling suspendido ang face-to-face classes at government offices sa kalakhang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Las Piñas City, Quezon Province, Laguna,  Sto. Tomas, Batangas, Aurora Province, Tanauan, Batangas, at Carmona, Cavite.

Nakataas pa rin ang Tropical Wind Signal number 2 sa Dinapigue at Palanan sa Isabela; Baler, Dipaculao Dinalungan, Dilasag at Casiguran sa Aurora, at Pililo Islands.

Signal number 1 sa kalakahang Silangang bahagi ng Nueva Ecija, Silangang bahagi ng Bulacan, at Northeastern portion ng Laguna.

Ayon sa Weather bureau, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Aghon sa Miyerkules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this