MARCOS WALANG REAKSYON SA PLANO NG DUTERTE CLAN SA 2025 ELECTIONS

Manila Philippines — Walang reaksyon si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa plano ng pamilya ni dating pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagiging senador sa darating na 2025 Midterm Elections.

Ayon kay Marcos malayang bansa aniya ang Pilipinas pagdating sa mga tumatakbo sa posisyon.

“It’s a free country. They’re allowed to do whatever they want. I really have no reaction,” sabi ng Pangulo sa ambush interview.

Una nang isiniwalat ni Vice President Sara Duterte ang plano ng kanilang pamilya para sa 2025 midterm elections.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte at Congressman Paolo Duterte ay tatakbo bilang senador habang si Baste Duterte naman ay tatakbo umano sa pagkapangulo sa darating na 2028 presidential elections.

Masyado din daw maaga para maghanda sa 2028 National elections, pero titingnan din daw ng kampo ni Marcos ang plano ng pamilyang Duterte pagdating ng filing ng certificate of candidacy sa Oktubre.

“We’re talking about 2028, dami pa pangyayari between now and 2028. And the only real situation will become clear sa October, sa filing,” dagdag pa ng Pangulo.

“Then we will see really kung tatakbo ba talaga, sino ba talaga tatakbo, sino, kanino sasama, which parties are involved, which parties are in alliance, dun lang natin makikita sa Oktubre so all of these announcements, tingnan natin kun matutuloy pagdating sa Oktubre, paliwanag pa ng punong ehekutibo.

Una nang binatikos ng Makabayan bloc sa kamara ang umang pagpapalawak ng political dynasty ng pamilyang Duterte sa mga posisyon sa pulitika.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Representative France Castro, mariin nilang kinokondena ang plano ng Duterte clan.

Ginagawa umanong negosyo ang pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno para korapsyon.

” Ginagawang negosyo ang pagtakbo sa posisyon sa gobyerno di lang para mangurakot pero para pagtakpan din ang mga kasalanan nila sa mamamayan. Ginawa na ito ng pamilya Marcos ngayon ang mga Duterte naman ang gustong pumalit,” ayon kay Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this