MARPOLEX 2024 NG PCG, JCG, INDONESIA SESENTRO SA SEARCH AND RESCUE

MANILA PHILIPPINES – Nagsimula na ngayong araw ang Rgional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2024 na pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG), Japan Coast Guard (JCG), at Directorate General for Sea Transportation (DGST) ng Republic of Indonesia sa Bacolod City.

Magasasagawa ang mga mga Coast Guards participants ng joint maritime exercises sa search and rescue (SAR), firefighting, oil spill and equipment recovery operations, pati na ang damage assessment.

Bago ang mga pagsasanay na ito, tutukuyin ng mga Commanding Officer at mga miyembro ng oil spill response team ang posisyon ng sasakyang pan dagat at iba pang mga assets upang matiyak ang ligtas na bilis at distansya sa pamamagitan ng isang komprehensibong tabletop exercise.

Ang biennial MARPOLEX ay isang pagpapatupad ng 1981 Sulawesi Sea Oil Spill Response Network Plan Agreement.

Ang Regional MARPOLEX 2024 ay ang ika-23 na pagsasagawa ng nasabing maritime exercise mula nang itatag ito noong 1986.

Ang PCG at DGST ay nagpapanatili ng isang matibay na kasunduan sa pangkapatiran na nagtataguyod ng multilateral na kooperasyon at pagtutulungang pagsisikap tungo sa pagtugon sa malalaking spillage sa rehiyon ng Asya.

Samantala, sinusuportahan ng JCG ang inisyatiba na nagpapahusay sa kahandaan at kakayahan sa pagpapatakbo ng Pilipinas at Indonesia para sa mga insidente ng oil spill, ginagawang pagkakataon ang Regional MARPOLEX 2024 na magbahagi ng kaalaman at pinakabagong mga diskarte sa kaligtasan sa dagat at pangangalaga sa kapaligiran ng dagat.

Magtatagal ang naturang pagsasanay ng tatlong bansa ng apat na araw mula June 24-28 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this