MAYOR MAGALONG SA PAG-ALIS SA ICI: ‘ I STRUCK A NERVE’

Manila, Philippines – Sa maikling panahon ng pagsisilbi ni Baguio Mayor Benjamin Magalong bilang legal Special adviser ng Independent Commission for Infrastructure, iginiit niya sa pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology nitong Huwebes na tatlo ang key players sa mga katiwalian ng mga flood control project. 

Partikular niyang binanggit dito ang mga pulitiko, DPWH official, at mga korap na project contractors.

Ayon kay Mayor Magalong, maging siya ay ikinagulat ang mga katanungan na lumalabas bilang pangkukwestyon sa kanyang posisyon bilang special adviser ng komisyon. 

Matatanggap pa aniya ang krisistimo sa kanyang posisyon bilang special adviser, at maging ang katotohanan na walang siyang kakayahan para utusan ang mga investigating agency. 

Kaya’t nakipagkasundo ang ICI sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), maging mga volunteers para mapagtulong-tulungan ang iskandalo kaugnay sa flood control.

Aniya, ang hindi katanggap-tanggap ay ang alegasyon na ipinupukol sa kanya kaugnay sa isang tennis court na na-award sa mga Discaya sa Baguio City. 

Sa palagay ni Mayor Magalong, dahil sa kanyang ginagawang imbestigasyon kaugnay sa katiwalian ng mga flood control projects ng mga mambabatas, contractors, at opisyal ng DPWH, mayroong isang makapangyarihang tao ang nasaktan sa ginagawa nya. 

Gayunpaman, nais na ni Magalong na wakasan ang naging karanasan niya sa loob ng pagtatrabaho sa ICI. 

Isa lamang aniya ang nakikita nila ni DPWH Secretary Vince Dizon, walang transparency sa gobyerno kaya’t naging malawak ang korapsyon sa mga proyekto. 

Sa pagdinig ng Senate Committee on Science and Technology, isa sa mga nakikitang solusyon ang Blockchain technology para imodernisa ang pagmomonitor sa pondo. 

Ayon kay Committee chair Bam Aquino, bawat piso sa pera ng taumbayan ay mamomonitor. 

Mapalalakas din aniya nito ang pagtutulungan ng mga sangay ng gobyerno; ang ehekutibo at lehislatura, kasama ang civil society group sa pagpapanatili demakrasya sa bansa.

Isa ang Baguio City ang magpapatupad ng blockchain system sa kanilang lokal na pamahalaan.—Mia Layaguin, Eurotv News

Share this