Manila, Philippines – ‘MAGPAKATIGAS NA PARANG BATO’
Ito ang mensahe ni Former President Rodrigo Roa Duterte kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa kaniyang kaarawan.
Ibinahagi ito ni Vice President Sara Duterte matapos ang kanyang pagbisita sa amang nakakulong sa The Hague.
Mensahe naman ni Vice President Sara Duterte kay Dela Rosa ang magandang kalusugan, kaligayahan, at katagumpayan
Noong January 21, ipinagdiwang ni Bato ang kanyang kaarawan.
Sa kanyang pahayag, binali niya ang kaniyang katahimikan at sinabi niyang naghihintay siya sa totoong hustisya.
Iginiit niya na kung tunay na mayroong kaso na nakasampa laban sa kanya, handa siyang harapin ito sa korte, kung saan Pilipino ang siyang namamahala, hindi umano sa banyagang sinusubukan pasukin ang Pilipinas.
Dagdag niya na kung siya ay sakaling sumuko, tila pagbabalewala ito sa pakikipaglaban ng mga bayani at sundalo para sa kalayaan ng Pilipinas.
November 11, 2025 nang magsimulang umabsent si Dela Rosa sa senado sa kasagsagan ng budget hearing.
Ito’y matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na inilabas ng International Criminal Court ang warrant of Arrest laban sa senador.
Si Dela Rosa ay nanungkulan bilang hepe ng Philippine National Police sa ilalim ng administrasyong Duterte at itinuturong main implementer ng kampanya kontra iligal na droga.—Krizza Lopez, Eurotv News