MGA BENEPISYARYO NG WALANG GUTOM PROGRAM NG DSWD, NAKABILI NG P20 NA BIGAS SA KADIWA NG PANGULO

Manila, Philippines – Ganap na inilunsad ng DA ang kanilang 20 pesos na bigas para sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng DSWD.

Pahayag ni Secretary Rex Gatchalian sa pilot testing ng 20 pesos na para “Benteng Bigas, Meron na sa WGP”, ang inisyatibang ito ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulon Ferdinand Marcos na may kakayahan ang lahat ng mahihirap na pamilyang Pilipino sa murang bigas.

Bagamat kick off pa lamang sa Tondo, Manila, Cebu, at Caraga target ng dalawang ahensya masimulan na rin sa iba pang retailer ang bente pesos na bigas.

Batay sa datos ng DSWD, 300,000 ang benepisyaryo ng Walang Gutom.

Bago matapos ang taong 2025, target pang dagdagan ng 300,000 na bagong benepisyaryo ng WGP.

Ani Gatchalian, mas marami ng Pilipino ang makabibili ng murang bigas sa halagang bente pesos.

Isa si Nanay Normita sa mga benepisyaryo ng walang gutom program, malaking tulong aniya para sa kanila ang bente pesos na bigas, dahil malaking menus ito sa kanilang pamimili buwan buwan.

Ngunit hiling nila na magkaroon na rin ng benteng pesos na bigas sa mga pampublikong pamilihan, nang sa gayon ay hindi lamang sa kanilang mga beneficiaries ng programa ang nakatatamasa ng murang bigas.

Aniya ni DA ASEC. Genevieve Guevarra, patuloy ang kanilang pagsisikap nila na mas maparami pa ang accredited kadiwa nh pangulo.

Nang sa gayon ay mas maraming Pilipino ang magkaroon ng kakayahan na makabili ng murang bigas at murang pagkain.

Gayundin ang makatulong sa mga lokal farmers and fishermen sa kanilang hanapbuhay. –Krizza Lopez, Eurotv News

Share this