Manila, Philippines – Sa nagpapatuloy na Nationwide rollout ng Controlled Vaccination sa mga piling lugar na may mataas na kaso ng African Swine Fever (ASF). Napagdesisyunan ng Department of Agriculture (DA) na isama na rin sa bakunahan ang mga lugar na walang naitalang aktibong kaso ng ASF.
Sa inilabas ng DA na Administrative Order No. 13 sisimulan na rin ang pagbabakuna sa mga lugar na nakasailalim sa red zone areas o yung mga bayan na 40 araw ng walang kaso na naitatala.
Kabilang din dito ang mga nasa pink zone areas na walang naitalang kaso ng ASF ngunit malapit sa mga lugar na apektado ng sakit.
Ayon sa DA, uunahing tuturukan ang mgababoy na apat na linggo pa lamang ang edad matatag ang pangangatawan.
Paliwanag ng Kagawaran, ang pagpapalawig ng controlled vaccination laban sa ASF, ay upang mas mahikayat ang iba pang hog raiser na paturukan ang kanilang mga alaga at maiiwas ang mga ito sa sakit.
Magsisilbi rin daw itong hakbang para matiyak na epektibo ang ASF vaccine bago ito tuluyang ilabas sa merkado.
Matatandaang sinimulan ang controlled trial ng mga bakunaa sa mga baboy noong August ng kasalukuyang taon sa Lobo, Batangas kung saan unang naitala ang pinakamaraming kaso ASF.