Manila, Philippines – Ipasusubasta ng Bureau of Custom (BOC) ang pitong luxury cars ng pamilya Discaya sa November 17, ayon kay Palace Press officer at Undersecretary Atty. Claire Castro.
Kaakibat ito ng hakbangin ng Administrasyong Marcos na maibalik sa taumbayan ang mga nakumlibat umano na pera ng mga Discaya sa pagkuha ng mga government contracts sa gobyerno.
Batay sa abiso ng BOC, ilan sa mga sasakyan ng mga Discaya na ipapasubasta ang Toyota Tundra 2022, Toyota Sequoia 2023, Rolls Royce Cullinan 2023 na binili ng mga Discaya dahil sa libreng payong, Mercedez Benz AMG G63 SUV 2022, MERCEDEZ BENZ G 500 2019, LINCOLN NAVIGATOR L 2021, at ang BENTLEY BENTAYGA 2022. A
Magkakaroon ng public viewing sa mga mamahaling sasakyan ng Discaya mula November 10-12 sa PUC Parking Area, OCOM Grounds.
Habang ang mismong araw ng auction ay gaganapin sa OCOL Building, BOC Port Area, Manila.—Krizza Lopez, Eurotv News