MGA NASAWI SA LUMUBOG NA BARKO SA BASILAN PUMALO NA SA 51

Basilan, Philippines – Nagsagawa ng underwater operation ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) technical divers kaugnay sa lumubog na  MV Trisha Kerstin 3  sa vicinity water ng  Baluk-Baluk Island, Basilan ngayong araw february 10. 

Bago nito kaninang alas sais ng umaga nagsagawa muna ng pre-dive briefing ang TDG para sa  safety measures, operational objectives at dive parameters para sa misyon. 

Lima sa mga technical divers ang ang tumugon sa Search and Rescue sa may lalim na 180 feet at nakatuon sa first-deck economy accommodation area ng barko. 

Dito narekober ang lima pang cadavers o katawan ng mga nawawala pa. 

Kaagad na ibyinahe ang mga katawan sa  Zamboanga City Port para makilala ng kani kanilang mga pamilya. 

Tuloy tuloy pa rin sa ngayon ang underwater operations ng PCG para mahanap pa ang iba pang nawawala. 

As of February 10 pumalo na sa 51 ang nasawi sa paglubog ng MV kerstin 3.

Share this