MGA PILIPINONG MAAARING MARANASAN ANG PAGTAMA NG BAGYONG FUNGWONG, PINAGHAHANDA SA POSIBLENG PAGDEKLARA NG SIGNAL NO.5

Manila, Philippines – May malaking tyansa na umabot hanggang signal no. 5 ang ideklara ng PAGASA sa oras na umabot na sa kalupaan ng Pilipinas ang Super Typhoon uwan na may international name na Fungwong. 

Ayon kay Meteorologist Benison Estareja, sa ilalim ng signal no. 5, taglay ng bagyo ang malakas na ulan at wind threat na 185 kilometer per hour.

Ibig sabihin ay matinding panganib at malaking banta sa buhay ng mga tao at mga ari-arian ang dala ng mga super typhoon na maaaring magdulot malawakang pagbaha at landslide.

At sa posibleng pagtama ng Super Typhoon Uwan sa bansa, partikular sa northern Bicol region, Aurora at halos kabuuang bahagi ng norte ay maaaring maranasan ang signal no. 4 at signal no. 5. 

Sa ilalim ng signal no.4 at 5, kaya nitong mawasak ang kabahayan na gawa sa mga light material, maging ang mga kabahayan na hindi gumamit ng de kalidad na materyales. 

Kaya rin nito mabasag ang mga salamin mga gusali.

Makapagpatumba ng mga puno at poste, pagkaantala ng supply ng kuryente at tubig, maging ang linya ang communication. 

Malaki rin ang tyansa na makasira ito ng mga pananim. 

Kaninang alas dos ng hapon, huling nakita ang STS Fungwon sa layong 1,215 kilometer sa silangan ng Visayas.

Taglay na nito anng hangin na 110 kilometer per hour at pagbugso na aabot hanggang 135 kilometer per hour.

At kumikilos sa direksyong pa west northwestard sa bilis na 25 kilometer per hour.

Ayon kay Estareja, umabot na sa 720 kilometer ang lawak ng sakop ng hangin na ito. 

Umaabot ang laki nito mula sa batanes hanggang sa dulong ng hilagang bahagi ng Zambonga. 

Batay sa official track ng Pagasa, mamayang gabi o bukas ng umaga, nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility na ang STS Fungwong. 

Sa paglapit nito sa kalupaan ng Pilipinas sa pagsapit linggo, inaasahan ng pagasa na bibilis ang paglakas ng bagyon uwan. 

Linggo ng gabi o madaling araw ng lunes ay posibleng tumama ito sa kalupaan ng Aurora o Isabela. 

Batay sa pagtataya ng pagasa, lunes ng umaga ay patungo na sa West Philippine Sea ang Bagyong Uwan. 

Paalala ng pagasa sa lokal na pamahalaan na patuloy imonitor ang lagay ng panahon.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this