Manila, Philippines — Nitong buwan ng Marso, bahagyang bumaba ang bahagdan ng mga Pilipinong may trabaho o negosyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa Labor Force Survey Report ng PSA, bumaba sa 96.1% ang employment rate nitong Marso, mula sa 96.2% noong Pebrero.
Ang bahagdan noong Marso, katumbas ng 48.2 milyon na mga Pilipinong may trabaho—1.13 million na mas mababa kumpara sa datos noong Pebrero 2025.
“The country’s employment rate in March 2025 was estimated at 96.1 percent, the same rate estimated in March 2024. Employment rate in February 2025 was estimated at 96.2 percent. In terms of levels, the number of employed persons in March 2025 was recorded at 48.02 million,” batay sa Labor Force Survey.
Pinakamataas pa rin ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho mula sa services sector, na binubuo ang 62% ng kabuuang employed persons noong marso.
Sinundan ito ng sektor ng agrikultura at industriya na may 20.1% at 17.9%.
Nitong buwan ng Marso, nakitaan din ng PSA ng anuuan employment rate increase ang sektor ng edukasyon, administrative and support service activities, at fishing and aquaculture.
Sa kabilang banda, ang paggalaw na ito sa employment rate nitong Marso ay nagdulot naman ng bahagyang pagtaas sa bahagdan ng mga Pilipinong walang trabaho.
“In March 2025, the unemployment rate was registered at 3.9 percent, the same rate recorded in March 2024. In February 2025, the unemployment rate was estimated at 3.8 percent. In terms of magnitude, the total number of unemployed individuals in March 2025 was registered at 1.93 million,” saad ng PSA.
Sa datos ng PSA, kahit na nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa unemployment rate nitong Marso, 5,000 namang mas mababa ang bilang ng mga Pilipinong trabaho nitong Marso kumpara sa 1.94-M noong Pebrero.
Samantala, sa parehong buwan, tumaas din ang underemployment rate sa 13.4%, na katumbas ng 6.44 million sa employed persons na nais pang magkaroon ng dagdag na oras sa trabaho at o dagdag na trabaho.