Manila, Philippines – Ilang mga senador mula sa Majority group ang pinangalanan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto bilang kapalit ni Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson.
Nabanggit ni Tito Sotto sina senator Joseph Victor Ejercito, Raffy Tulfo, Francis ‘Kiko Pangilinan, Pia Cayetano, at Risa Hontiveros, isa sa mga pangalang ito ang maaaring pumalit kay Lacson.
Pagbabahagi ng Senate President na maaaring maisapinal ang susunod na chairperson sa mangyayaring major caucus sa Miyerkules.
Subalit, tinanggihan naman ni Senator JV Estrada ang posisyon ng mahalagang komite sa senado, dahil sa kanya umanong limitasyon.
Iginiit niya na mayroong pang mas maalam na senador na kayang patakbuhin ang Senate Blue Ribbon Committee.
Noong Lunes, inilabas na ang resibo ng resignation ni Lacson bilang chairperson.
Nakasaad sa kaniyang liham ang pagkadismaya ng mga kasamang mambabatas sa senadoor sa nagiging direksyon ng imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang flood control project.
Subalit sa kabila ng kaniyang pag-alis sa posisyon, nanindigan pa rin si Lacson na patuloy ang kaniyang paglaban sa korapsyon na nangyayari sa loob ng pamahalaan.
Kahapon sa senate briefing sinabi ni Senate President Sotto na mahirap sundan ang naging direksyon ni senator Lacson.
Frustrated din umano si Lascon.—Krizza Lopez, Eurotv News