Manila, Philippines – Dahil sa kinakaharap na issue ng korapsyon ng Department of Public Works and Highway sa mga flood control project nito, pursigido si Secretary Vince Dizon na malaan ang pondo sa ilalim ng 2026 General Appropriation Act sa mga proyekto na mapapakinabangan ng mga Pilipino.
Ngayong araw ng Lunes, ibinahagi ni Secretary Dizon ang listahan ng mga prayoridad ng DPWH ngayong 2026.
Una na riyan ang pagsasaayos ng mga pangunahing kalye at kalsada sa buong Pilipinas.
Isa sa mga nabanggit ni Dizon ang Maharlika Highway, rehabilitasyon ng EDSA, MC Arthur Highway sa Apalit, Oyungan Bridge sa Cebu City, at Tubod-Nabuan sa Aloran, Misamis Oriental.
Kasama na rin dyan ang mga sirang tulay na hindi nagagawa.
Ikalawa sa target ng DPWH na tapusin ang mga bitin na kalsada at tulay.
Ilan sa mga nabanggit niya ang mga tulay sa Pampanga na mahigit sa pito hanggang sampung taon nang hindi natapos.
Hindi rin nawala sa prayaridad ng DPWH ang pagkukumpuni ng mga nadikubreng palyadong flood control project sa Bulacan, Mindoro, at Davao Occidental.
Ayon kay Dizon, batay sa utos ng Pangulo, kailangang maisaayos na ang mga flood control project bago ang panahon ng tag-ulan ngayong taon.
Nakipag-ugnayan na umano si secretary Dizon sa bagong District Engineer ng 1st District ng Bulacan na ipriority ang pagkukumpi ng mga palyadong proyekto.
Dagdag ng kalihim, hindi sapat na may makulong at managot sa pagnanakaw ng pondo, kailangan ayusin ang mga proyekto.
Giit ni Dizon, sa kabila ng pagbaba ng pondo ng DPWH ngayong 2026 na nasa mahigit 500 billion na lamang, papatunayan nila na mas maraming proyekto ang kanilang maipapatayo at maisasaayos na mas matibay at mas mababang presyo.
Aayusin na rin ng DPWH ang budget planning process ng tanggapan.
Pahayag ni Dizon, puno’t dulo pagnanakaw ang paglalagay ng maling proyekto sa pondo dahil sa umano’y sistema ng palakasan at singitan sa DPWH.
Naniniwala ang kalihim para maisakatuparan ang mga pangunahing prayoridad ng DPWH ngayong taon, kailangan din ng tanggapan na tumanggap ng bagong empleyado.
Dahil dito ay magbubukas ng job fair ang ahensya sa mga univesities.
Sa huli, hinikayat ni Secretary Dizon ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa DPWH kung may nais na i-report na mga proyektong hindi natapos nang sa gayon ay malalaanan din ng pondo para rehabilitasyon ng mga ito.—Krizza Lopez, Eurotv News