Jolo, Sulu – Limang baril ang boluntaryong isinuko ng mga sibilyan sa magkakahiwalay na aktibidad sa Tapul at Panamao bilang bahagi ng kampanya para sa “Rido-Free, Gun-Free, and Peace-Centered Communities.”
Ayon kay Lt. Col. Roy R. Dalumpines ng 104th Infantry Battalion, dalawa sa mga isinukong baril ay isang M1 Garand rifle at isang 9mm pistol na may buradong serial number.
Sa hiwalay na ulat, sinabi ni Lt. Col. Ronald A. Borras ng 21st Infantry Battalion na may isa pang caliber .45 pistol at isang high-powered firearm na isinuko sa Panamao sa tulong ng mga opisyal ng barangay.
“Lasting peace is achieved when communities themselves take part in securing it,” ayon kay Maj. Gen. Leonardo I. Peña ng 11th Infantry Division.
Dagdag pa niya, ang patuloy na pagdami ng boluntaryong pagsuko ng armas ay nagpapakita ng tiwala ng komunidad sa mga programa ng pamahalaan para sa kapayapaan.
Binigyang-diin din ng militar na mahalaga ang kooperasyon ng mga mamamayan, lokal na pamahalaan, at mga ahensya ng seguridad upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Sulu.–Carlos Concha, Contributor