MGA SUSPEK SA PAGPATAY SA BROADCASTER NA SI ‘JOHNNY WALKER’, INABSWELTO NG MISAMIS RTC

Misamis Occidental — Mahigit dalawang taon na ang nakalipas mula nang pasalangin ang broadkaster na si Juan Jumalon o mas kilala bilang Johnny walker, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang kaso.

At nito lamang katapusan ng Marso, pinawalang-sala ang tatlong suspek sa naging pagpatay.

Sa tatlong pahinang resolution ng Calamba, Misamis Occidental Regional Trial Court Branch 36, inabswelto nito ang tatlong suspek sa krimen dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensya.

Ang tatlong suspek, kinilala bilang sina Jolito Saja Mangumpit, Reynante Saja Bongcawel, at Bobby Bongcawel na itinuturong sangkot sa naging pagbaril kay Jumalon habang nakaere live sa kanyang programa sa kanyang home-based radio station.

Batay sa desisyong ibinaba ng korte, hindi naging sapat ang mga ebidensyang ipinresenta ng prosecution upang patunayan ang pagkakasala ng tatlong suspect.

Batay sa alegasyon, si Mangompit ang itinuturong gunman, si Bobby ang nanutok sa gatekeeper, habang lookout at driver naman si Reynate.

Pinuna rin sa desisyon ang epekto ng pag-p=presenta ng maling suspek sa trial sa pamilyang humihiling ng hustisya sa naging pagpatay kay Jumalon.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay wala pang mga bagong leads at suspects kaugnay ng kaso.

Share this