MISS UNIVERSE ORGANIZATION, ITINANGGING MAY KINALAMAN SA ‘SPECIAL DINNER & TALK SHOW’ EVENT 

Nilinaw ng Miss Universe Organization (MUO) na wala silang kinalaman sa isang online post na nagpo-promote ng umano’y “Special Dinner & Talk Show” na ginagamit ang pangalan ng Miss Universe.

Sa opisyal na pahayag ng MUO, sinabi nilang ang naturang promotional post ay “unauthorized and misleading,” at wala itong pahintulot mula sa organisasyon.

Dagdag pa ng MUO, ang lahat ng opisyal na anunsiyo, komunikasyon, at voting initiatives ng Miss Universe ay ipinapahayag lamang sa kanilang mga verified channels upang maiwasan ang panlilinlang at maling impormasyon.

Share this