MMC, HINIMOK NA LUMIKHA NG ORDINANSA VS. SPAGHETTI WIRING

MANILA,PHILIPPINES – Inaprubahan ng Metro Manila Council ang isang resolusyon na naghihikayat sa mga local government units sa Metro Manila na magpasa ng mga ordinansa na magre-regulate at magmomonitor sa paglalagay ng mga nakabitin na wire at overhead cables upang maiwasan ang mga posibleng panganib na dulot nito.

Ang Metropolitan Manila Development Authority Resolution Number 24-16, Series of 2024 ay tinalakay sa pulong ng MMC at MMDA .

Binanggit ni MMDA chairperson Don Artes sa isang pagpupulong na may mga pagkakataon na ang poste sa kalye ay nahulog sa ilalim ng bigat ng “spaghetti wirings” na nagdulot ng pagsisikip ng trapiko.

Ang ilan namang mga lokalidad ay mayroon nang umiiral na mga ordinansa upang pamahalaan ang mga salabat na kable tulad ng sa San Juan City at Valenzuela City.

Sumang-ayon naman din ang IBA pa sa pagsasagawa ng isang information drive bago tanggalin ang mga nakabitin na kable upang bigyan ng babala ang mga residente sa mga posibleng pagkaantala ng serbisyo.

Nauna naman na naghain ang mga Kinatawan ng Bulacan na si Salvador Pleyto Sr. ng panukalang batas na mag-aatas SA public utility providers na dapat i-bundle ang kanilang lumulubog at nakalawit na mga aerial utility wires, tanggalin ang lahat ng hindi gumagana o hindi ginagamit na mga wire at cable, at ilipat o palitan ang post na ayon sa aprubadong clearance ng aerial wire at cable.

Noong Pebrero, si Senador Raffy Tulfo ay naghain ng resolusyon na humihiling ng pagsisiyasat sa mga madalas na aksidente sa kalsada dahil sa maling paghawak at hindi wastong pagpapanatili ng mga live wire at unattended wires.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this