MANILA,PHILIPPINES – Nagbigay ng babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng text message na nagpapayo sa kanila na magbayad ng multa gamit ang isa umanong link.
Huwag daw ito i-click ayon sa MMDA dahil ito ayn isang uri ng scam.
Pinayuhan ng MMDA ang publiko na maging mapagmatyag at huwag mag-click sa anumang link.
Pinayuhan pa nito ang mga motorista na huwag magbigay ng personal at sensitibong impormasyon.
Maaari naman na direktang makipag-ugnayan ang mga motorista sa MMDA para i-verify ang anuman sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa hotline nito na 136.
Maaari rin silang magpadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng email na ibinigay ng MMDA o kaya ay sa kanilang social media accoounts at kanilang website .