Manila Philippines — Nakatakdang bumisita sa bansa si Minister of Foreign Affairs ng the Kingdom of Thailand na His Excellency Maris Sangiampongsa sa Pilipinas sa darating na ika-4 ng Hulyo.
Base sa kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ito ang kauna-unahang pagbisita sa bansa ni Foreign Minister Maris mula nang maitalaga sa pwesto.
Itinalaga bilang bagong Foreign Ministry ng Thailand si Maris noong May 3, 2024 matapos ang pagbibitiw sa pwesto ng dating Foreign minister.
Nakatakdang talakayin sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Foreign Minister Maris ang kooperasyon sa bilateral na relasyon ng Pilipinas at ng Thailand.
Kabilang na rito ang pagpapatuloy ng ika-6 na PH-Thailand Joint Commission on Bilateral Cooperation (JCBC) meeting, pagtatalakay sa mga isyung kinahaharap ng rehiyon at international, gayundin ang sitwasyon sa South China Sea, isyu sa Myanmar at sa Gaza strip.
“Secretary Enrique A. Manalo and Foreign Minister Maris will discuss bilateral areas of cooperation, including the proposed convening of the 6th Meeting of the Philippines-Thailand Joint Commission on Bilateral Cooperation, as well as regional and international issues of common concern, including the situation in the South China Sea, Myanmar, and Gaza,’ ayon sa pahayag ng DFA.
Nagsisilbing mahalga okasyon ang pagbisita ng bagong talagang Foreign ministry sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 taong bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Naitatag ang Treaty of Friendship sa pagitan ng Pilipinas at ng Thailand noong 1949.
‘The visit takes place at an auspicious occasion when the Philippines and Thailand are celebrating this year the 75th anniversary of bilateral relations, which were established through the signing of a Treaty of Friendship in 1949,” dagdag pa ng DFA.
Itinuturing din na mahalaga ang relasyon ng Pilipinas at ng Thailand bilang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).