MRT-3 MAY ALOK NA ISANG LINGGONG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA BETERANONG SUNDALO

Manila, Philippines — Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week, inanunsyo ng pamunuan ng MRT ang implementasyon ng libreng sakay para sa mga beteranong sundalo at isa nilang kasama sa byahe.

Mula ika-5 hanggang ika-11 ng Abril, libre ang magiging pamasahe ng mga beterano at isang kasama, bilang pagkilala sa kanilang serbisyo noong World War II.

Epektibo ang libreng sakay sa buong oras ng operasyon ng MRT-3, mula 4:30 am hanggang 10:30 pm sa North Avenue Station, at mula 5:05am hanggang 11:09pm Taft Avenue Station.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lamang magpresenta ng mga beteranong sundalo ng valid ID mula sa Philippine Veterans Affairs Office sa mga asecurity ng MRT-3 stations.

Ipagdiriwang ang Araw ng Kagitingan sa ika-9 ng Abril habang ang Philippine Veterans Week ay ang linggo kung kailan ipatutupad ang libreng sakay.

Share this