Namahagi ang Department of Labor and Employment ng tulong pinansyal sa Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa Eastern Visayas.
Umabot sa P4.2 million ang ipinamigay ng DOLE sa mga maliliit na negosyante,
Ginawa ito sa pamamagitan ng Adjustment Measures Program, na naglalayong suportahan
ang mga maliliit na negosyante upang makabangon at lumago ang negosyo sa gitna ng mga kinakaharap na krisis.
Ayon sa Department of Labor and Employment, layunin ito ng administrasyong Marcos na patuloy na palakasin ang ekonomiya ng bansa at gawing bukas para sa
lahat.
“Through this program, we aim to improve the competitiveness of our local enterprises so they remain viable and relevant amidst economic challenges,” aniya Atty. Noya-Nidua.
Sa pamamagitan ng pondo na ipinamahagi ng tanggapan, inaasahang madaragdagan ang mga oportunidad sa trabaho at titibay rin ang mga lokal na negosyo sa rehiyon.
Sa tulong ng Adjustment Measures Program, nagkaroon ng malaking tsansa ang MSMEs na
makasabay sa mga hamon ng merkado at patuloy na makapagbigay ng tulong at kabuhayan
sakanilang komunidad.– Wenn Francis Dela Cruz, Eurotv News Contributor