‎‎’MY NAGA APP,’ PLANONG ILUNSAD SA NAGA CITY PARA SA MABILIS NA SERBISYO

‎Naga City, Philippines – ‎Kasabay ng panunumpa ni Mayor-elect Maria Leonor ‘Leni’ Robredo, bilang alkalde ng Naga City, nangako ito na mas pagiigtingin ang serbisyong pampubliko sa kaniyang termino. 

Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan, ibinihagi nito sa publiko ang isa sa mga inihain niyang proyekto upang mas maging bukas sa modernisasyon ang mga residente nito—ang paglulunsad ng ‘myNaga’ app.

‎‎Layunin umano ng aplikasyon na mag-abot ng agarang serbisyo sa mga Nagueño sa pamamagitan ng ‘one tap away’ system upang magbigay ng mabilisang serbisyo sa kanilang kinakailangan. 

‎Ilan sa mga features ng app ay maaaring i-locate ang mga lokasyon ng opisina sa munisipyo para sa mas mabilisang transaksyon gaya ng pagbabayad ng buwis, paghingi ng dokumento, at iba pa. 

‎Kabilang din dito ay ang emergency hotlines para sa agarang pagtawag kung kinakailangan ng tulong sa kalinisan at kaligtasan ng lugar.

Magiging available ang ‘myNaga’ app sa App Store at Google Play Store sa takdang oras. 

‎Samantala, ginanap naman ngayong Lunes (Hulyo 30, 2025) ang Inauguration Ceremony ng iba pang opisyal na nagwagi sa nagdaang midterm election, kabilang ang mga governors, mayors at councilors. — Maica Villegas, Contributor

Panoorin ang bidyo: https://www.facebook.com/watch/?v=713284348266250&rdid=epY2P9RpgEYIK7wQ

Share this