Manila, Philippines – Bineberipika na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Negros Oriental ang ilang mga naipaulat na overpricing ng mga bottled water sa Canlaon City na di umano’y binebenta ng mga vendors sa halagang P150 kada 10-liters.
Ayon sa DTI, kung totoo man ang mga natatanggap nilang report, hindi ito dapat pinahihintulutan lalo na sa gitna ng nararanasan pa ring sakuna.
Ang pagtaas din daw sa presyo ng mga pangunahing bilihin ng ay hindi pinapayagan habang nakasailalim sa State of Calamity, kung saan umiiral ang 60 -day price freeze.
Umapela rin si Canlaon City Mayor Jose Chubasco Cardenas sa mga motorcycle for hire na manatiling patas sa paniningil ng pamasahe sa kanilang mga naisasakay habang apektado ang transportasyon a lungsod,
Matatandaan na isa ang Canlaon City sa mga lungsod sa buong bansa na pinaka-naapektuhan ng Bagyong Uwan, kung saan nag-iwan ito ng 20 kataong nasawi, mga kabahayang nasira, imprastrakturang nawasak at hindi madaanang mga kalsada at tulay.
Paalala naman ng DTI na maaaring maharap sa sampung taong pagkakakulong at isang milyong multa ang sinumang mapapatunayang nagbebenta ng ng basic necessities, mas mataas sa prevailing prices na itinakda ng DTI at kinauukulang mga ahensya.