Manila, Philippines – Tuluyan ng naging intensify into a tropical storm category na may international name na Tropical Storm “NURI” ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayons sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang Bagyong Nuri sa layong 1,220 km East ng Eastern Visayas.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 65km/h at pagbugso na aabot naman sa 80km/h, habang mabagal itong kumikilos papuntang Southwest.
Samantala, hindi naman inaasahan na papasok sa ating bansa ang bagyo at magkakaroon ng direktang epekto sa ano mang parte ng ating bansa.
Ngunit asahan na magdadala ng mga pag-ulan ang “TROUGH” o extention ng kaulapan ng bagyo na mararanasan sa baahagi ng Eastern section ng Mindanao.
Kasabay nito patuloy pa rin na makaaapekto ang Northeast Moonsoon sa buong Luzon at Visayas.—Grachella Corazon, Eurotv News