NASAWI SA HAJJ PILGRIMAGE, MAHIGIT 1,300 NA

SAUDI ARABIA – Umabot na sa mahigit 1,300 na mga Muslim pilgrims ang kumpirmadong nasawi dahil sa heatstroke habang ginagawa ang Hajj Pilgrimage sa Saudi Arabia sa gitna ng mataas na temperatura sa panahon ng pagsasagawa nito.

Ayon sa Health Minister ng Saudi, 83% ng bilang ng mga namatay mula sa heatstroke dala ng matinding init sa lugar ay mga “unregistered” o hindi awtorisado para gawin ang nasabing ritwal.

Batay sa mga ulat, mayroong mga matatanda at ilang mga pilgrims na may kapansanan ang nakiisa at sumama sa ritwal sa ilalim ng mainit na panahon.

Ang Hajj pilgrimage ay isa sa mga malalaking ritwal sa Islam practice, kung saan lahat ng mga Muslim ay dapat maisagawa ito kahit isang beses lamang.

Gayunpaman, itinuturing naman ng mga kinauukulan na matagumpay na naisagawa at natapos ang Hajj season–sa kabila ito ng tumataas pa ring bilang ng mga nasawi mula sa pagsasagawa nito kasabay ng mainit napanahon at temperatura.

Samantala, 465,000 specialized treatment services naman ang inalok ng mga awtoridad para sa mga higit na apektado ng naging insidente, kung saan kabilang din ang 141,000 na serbisyo para sa mga unregistered pilgrims na lumahok sa hajj pilgrimage.

Matatandaan naman na noong panahon ng taunang ritwal na ito, pumalo sa 51.8°C ang temperatura sa Mecca na nagsanhi ng iba’t ibang komplikasyon at sakit, gaya ng heatstroke, para sa mganakiisa sa pilgrimage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this