MANILA PHILIPPINES – Muling nanindigan ang National Security Council (NSC) sa pagprotekta at pangako nito na bantayan ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagpapanatili ng ating soberanya sa WPS.
Itoy dahil na rin anya sa pinanghahawaka nating 2016 Arbitral Award kung saan nakamit natin ang panalo base sa international order na protektahan ang ating maritime rights.
“We stand firm in upholding the 2016 Arbitral Award, and adhere to a rules-based international order to ensure our maritime entitlements are respected,” ayon kay Año.
Kasunod nito, sinabi ni Año na maliban sa panloob na banta ay patuloy din ang kanilang pagsisikap na matugunan ang panlabas na banta.
Ang pahayag na ito ay kasunod na rin ng pagdiriwang ng ika-12th na Araw ng Kasarinlan kahapon at sa tumitinding pandaigdigang hamon na kinahaharap ng sa ating mga teritoryo.
“Despite the complexities and uncertainties of today’s world, our unity and resolve will help us navigate these challenges and emerge together,” dagdag pa ng kalihim.