NATURAL GAS MALAMPAYA EAST-1, NADISKUBRE MATAPOS ANG MAHIGIT DEKADA — MARCOS

Manila, Philippines – Sa isang makasaysayang pagkatuklas, nadiskubre ang tinatayang 98 billion cubic feet natural gas malapit sa Malampaya field, pagbabalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Natagpuan ang bagong natural gas reservoir na tinatawag na Malampaya East-1 o ang MAE-1 sa layong 5 kilometer sa mismong Malampaya field. 

Ang nadiskubreng 98 billion cubic feet na gasolina ay katumbas ng mahigit sa 14 billion kilowatt per hours na kuryente sa isang buong taon. 

Ayon kay Pangulong Marcos, kayang magsupply ng MAE-1 ng kuryente sa mahigit 5.7 million na kabahayan, 9,500 na mga gusali, o halos dalawang daang libo na mga paaralan sa isang buong taon. 

Dahil sa pagkadikubre ng 98 billion cubic feet gas malapit sa Malampaya, malaki aniya ang maitutulong nito sa Malampaya field sa pagsusupply ng gas sa Pilipinas sa mga susunod pang taon. 

Batay kasi sa initial testing ng consortium ng kumpanyang Prime Energy, kasama ang UC38, PNOC Exploration Corporation, at Prime Oil & Gas Inc., lumalabas na malaki ang potential ng MAE-1 dahil sa kaya nitong ilabas na 60 cubic feet kada araw. 

Bukod sa natural gas na nadiskubre sa MAE-1, natagpuan din ang condensatea-isang high value liquid fuel. 

Noong Mayo 2023, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang renewal agreement para sa Malampaya Service Contract 38, na magpapalawig sa operasyon nito hanggang February 22, 2039.

Ang MAE-1 ay unang balon lamang sa ilalim ng mas malawak na Malampaya Phase 4 Drilling Campaign, na  bahagi rin ang Camago-2 at Bagong Pag-asa wells.

Kabilang sa mga susunod na hakbang ng proyekto ang completion at testing phase ng Camago-3, gayundin ang Pag-asa exploration well, na inaasahang magpapalawak pa sa kapasidad ng Malampaya bilang pangunahing pinagkukunan ng natural gas ng bansa.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this