Manila, Philippines – Pitong araw bago ang pista ng itim na nazareno sa ika-9 ng Enero, nag-anunsyo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatakda silang magdeploy ng mahigit sa 14,000 otoridad sa panahon ng paghahanda sa kapistahan.
Ayon sa NCRPO, 12,168 personnel nito ang itinalaga sa lugar at route security.
Habang mayroon pang karagdagang 2,306. Sumatotal, 14,474 na tauhan ng Philippines National Police (PNP) ang nakatalaga para sa traslacion 2025.
Nauna naman nang nagbabala ang mismong simbahan ng Quiapo sa mga deboto sa panahon ng kapistahan laban sa mga scam.
Taon-taon, dinadagsa ng milyong-milyong deboto ang 400 years old na itim na nazareno, sa pag-asang madinig ang kanilang panalangin.
Noong 2024, mahigit sa anim na milyong deboto ang nakiisa sa traslacion.
Maagang naglabas ng iskedyul ng aktibidad ang Quiapo church kaugnay sa selebrasyon. Ngayong araw ng Huwebes (January 2, 2025), isinagawa ang prusisyon ng mga replica ng itim na nazareno.