NLEX, MAGPAPATUPAD NG DAGDAG SINGIL HANGGANG P6 SIMULA BUKAS, JAN. 20 

Manila, Philippines – Epektibo na simula bukas, January 20 ang dagdag singil sa toll fee na ipapataw ng North Luzon Expressways (NLEX) Corporation para sa mga motorista. 

Aprubado ito ng Toll Regulatory Board (TRB).

Batay sa pinakabagong toll fee matrix ng NLEX, ang mga motoristang bumabyahe sa open system na kabilang sa class 1 vehicles gaya ng mga regular na sasakyan at SUV’s ay magdadagdag ng anim na piso sa kanilang toll fee.

P12 naman sa mga bus at maliliit na truck o class 2 vehicles habang P16 sa class 3 vehicles.

Saklaw ng open system ang mula sa Metro Manila, Navotas, Valenzuela at Caloocan hanggang Marilao Bulacan.

Sakop naman ng closed system ang bahagi na ng Bocaue, Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga, at Subic-Tipo.

Sa ilalim nito hanggang P24 ang dagdag singil sa Class 1 vehicles, P60 sa class 2 at P72 sa class 3 vehicles.

Samantala, mananatili naman ang government toll rebate sa mga sasakyang naghahatid o may dala dalang mga agricultural products na accredited sa Department of Agriculture (DA).

Share this