MANILA, PHILIPPINES – Pagpapatupad ng “No Plate,No Travel” policy ng Land Transportahion Office (LTO) patikular sa Quezon City, simula na ngayong araw, July 1.
Ito ay matapos mapag-alaman ni LTO Assistant Secretatry Atty. Vigor Mendoza mula sa ilang mga government agencies kung gaano kahaba ang listahan ng mga hindi rehistradong sasakyan na hanggang ngayon ay patuloy na lumalabas ng kalsada.
“With all the license plates already distributed to all tricycles being used in public transport in Quezon City, your LTO will presume that tricycles with no license plates but are being used in transporting passengers in Quezon City are colorum, or operating illegally,” ani Mendoza.
Layon ng polisiya na ito ay mas pag igtingin pa ang seguridad sa lungsod at mabawasan ang mga hindi rehistradong sasakyan partikular sa mga tricycle na pamasada.
Binigyan diin naman ng Secretary ng Department of Transportation na si Jaime Bautista ang Republic Act 4136, ang Land Transportation and Traffic Act partikular, sa section 5 ng Batas, na nangangailangan ng sapilitang pagpaparehistro ng lahat ng mga sasakyang de- motor.
Ayon pa kay Mendoza, dadagdagan din ang bilang ng mga enforcer kasabay ng pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy.
Nagsilbi na rin itong panawagan ng LTO sa mga nagma may-ari ng mga sasakyan lalo na ang mga expired na ang rehistro.
Paalala ng LTO sa kung sino man ang lalabag sa polisiya ay magkakaroon ng kaukulang parusa.