MANILA, PHILIPPINES – Ilang buwan matapos patawan ng anim na buwang preventive suspension ang mahigit sa 139 na opisyal ng National Food Authority (NFA) dahil umano sa ma-anomalyang pagbebenta ng mga ito sa buffer stock ng mga bigas na may paluging presyo sa ilang negosyante.
Binawi na ito ngayon ng Office of the Ombudsman sa 72 opisyal na pawang mga warehouse supervisor, at maaari nang makabalik sa trabaho.
Base sa kautusang inilabas ng Ombudsman, maaari na silang makabalik sa trabaho habang gumugulong pa rin ang imbestigasyon hinggil sa kinahaharap nilang mga reklamo.
Matatandaang naharap ang mga ito sa reklamong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty at Conduct Prejuduicial to the Best Interest.
Sa ngayon 40 opisyal pa na kabilang sa 139 ang kasalukuyan pang nasa ilalim ng suspension order.
Inatasan na ng Ombudsman si Agriculture Secretary Francisco Laurel Tiu Jr. na tumatayo ngayong administrator ng NFA sa lumabas na desisyong pagbawi sa suspension order sa mga naturang empleyado.
Samantala ayon pa sa Ombusman tatakbo pa rin ang mga reklamong nakahain sakanila sa patas na pamamaraan.
Tiniyak naman ng NFA na tuloy tuloy ang opersayon ng kanilang ahensya sa kabila ng mga suspendido pa ring opisyal.