Manila, Philippines – Inaprubahan ng Office of the Ombudsman ang anim na buwan na suspension ng labing anim na opisyal ng Department of Public works and highways na sangkot sa flood control project scandal .
Batay sa naging desisyon ng Ombudsman, epektibo ngayong araw ang suspension ng mga opisyal.
Ilan sa mga ipinatitigil ang pagtatrabaho ang mga heads at officers-in-charge of the Construction Section, Planning and Design Section, Maintenance Section, Quality Section, Maintenance Section, Administrative Section, Budget Unit, Procurement Unit, cashier, project engineers, and engineer.
Subalit hindi na kabilang sa suspension sina Bulacan District Engr. Henry Alcantara, Assistant Engr, Brice Hernandez, Construction Section chief Jaypee Mendoza, at chief accountant Juanito Mendoza makaraang tuluyang masibak sa serbisyo.
Nauna nang nasabi ni Secretary Vince Dizon na target nilang makapagkaso ng isang corruption case kasa isang linggo sa mga mapatutunayang sangkot sa anomalya kada linggo.
Sa gitna ito ng pagpapa-igting ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pagsisiyasat ng katiwalian sa flood control projects.
Ang naging desisyon ng ombudsman sa suspension ng mga tauhan ng DPWH ay para maiwasan na maimpluwensyahan pa ng mga indibidwal ang takbo ng imbestigasyon.
Hakbangin din ito para maprotektahan ang public records at matiyak na mapananagot ang mga may kinalaman sa katiwalian.—Krizza Lopez, Eurotv News