ONE STRIKE POLICY LABAN SA MGA TIWALING OPISYAL SA MAYNILA, ISINUSULONG

Manila, Philippines – Mahigpit na babala ang ipinaabot ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan na nagbabalak gumawa ng katiwalian, kasabay ng pagsusulong ng One Strike Policy sa lungsod.

Ayon kay Domagoso, bagama’t aminado siyang walang perpektong pamahalaan lalo na sa isang malaking organisasyon tulad ng lokal na gobyerno, sinisiguro naman umano niyang may kaakibat na agarang aksyon at resulta ang sinumang mapatutunayang sangkot sa maling gawain.

Giit ng alkalde, ang sinumang opisyal na mahuhuling gumagawa ng katiwalian ay agad na tatanggalin sa serbisyo nang walang paligoy-ligoy.

Dagdag pa ni Domagoso, magsisilbi itong malinaw na babala sa iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng korapsyon sa lungsod.

Kaugnay ito ng kamakailang pagsibak sa isang traffic enforcer sa Maynila na umano’y nangotong sa isang drayber matapos ang isang traffic violation. 

Dahil sa umiiral na One Strike Policy, agad na tinanggal sa trabaho ang nasabing enforcer

Share this