OPEN GOVERNMENT PROGRAM TARGET NG ISAMA SA OPERASYON NG MGA LGU — PALASYO

Manila, Philippines – Determinado ang administrasyong Marcos na isama ang Open Government Program sa mga operasyon ng mga lokal na pamahalaan (LGU), alinsunod sa Memorandum Circular No. 2025-065 ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Layunin ng programa na palakasin ang transparency at accountability sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga sumusunod: pagsasagawa ng mga patakaran kontra korapsyon, pagsusulong ng digitalization para sa mas malinaw at mabilis na serbisyo, at pagbubukas ng budget at financial reports sa publiko.

Suportado naman daw ito ng Department of Budget and Management (DBM) na naniniwalang makatutulong ito upang mapatatag ang tiwala ng mamamayan sa gobyerno.

Share this