OPERASYON NG DOH SA BUONG BANSA, NASA CODE BLUE ALERT MATAPOS ANG PANANALASA NI BAGYONG TINO

Manila, Philippines – Isinailalim na ng Department of Health (DOH) sa code blue alert ang lahat ng operasyon ng kanilang ahensya sa bansa, matapos ang pananalasa ni bagyong Tino na nag-iwan ng malawak na pinsala sa iba’t ibang lugar.

Sa ilalim ng Code blue alert, viral ang heightened status ng DOH pagdating sakanilang mga regional offices at health facilities.

Mas maraming mga bilang din ng ahensya ang naka-deploy sa mga evacuation centers at health facility sa mga lugar na lubos nasalanta ni Tino.

Mabilis ding inihahanda ang mga gamot, medical supplies, at mobile response teams para sa mga lokal na pamahalaan na mangangilangan nito.

Nakahanda ring magtatayo ng pansamantalang hospital tents ang Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng bagyo para sa mga pasyenteng nangangailangan kaagad ng medikal na atensyon.

Samantala, bukod sa pa-alalay sa mga naging biktima ng Bagyo, pinagtutuunan din ng pansin ng DOH ang mga nasa evacuation center na nagkakaroon ng Lagnat, Ubo, Sipon, Leptospirosis at iba pang impeksyon partikular sa Eastern Visayas na parte ng Biliran, Leyte at Samar.

Kasalukuyan din nagsasagawa ang DOH ng health assessment at field validation para sa iba pang health commodities base sa pangangilangan ng bawat lokal na pamahalaan.

Ang pagsasailalim naman sa code blue alert ay kasunod na rin ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National State of Calamity.

Kaugnay pa rin nito, nagbabala ang Kagawaran ng Kalusugan na hindi maaaring itaas ang presyo ng 146 na gamot sa buong bansa loob ng 60 araw sa ilalim ng umiiral na price freeze.

Share this