Manila, Philippines — Ilang mga train services ang nag-anunsyo ng suspensyon ng kanilang operasyon ngayong Semana Santa upang bigyang-daan ang taunang maintenance activities sa mga ito.
Sa abiso ng pamunuan ng Metro-Rail Transit (MRT-3), suspendido ang kanilang mga train operations mula sa ika-17 hanggang ika-20 ng Abril, o mula Maundy Thursday hanggang Easter Sunday.

Ang kanselasyon na ito ay upang bigyang daan ang taunang Holy Week maintenance activities sa MRT.
Magbabalik ang normal na operasyon ng MRT-3 sa Lunes, ika-21 ng Abril.
Samantala, suspendido rin ang operasyon ng LRT-1 at LRT-2 sa parehong mga araw, para rin sa maintenance works.
Ayon sa pamunuan ng LRT-1, ang pansamantalang suspensyon sa operasyon ay upang mapaglaanan ng panahon ang masusing testing at inspeksyon ng LRT-1.

Magbabalik ang kanilang operasyon sa ika-21 ng abril, araw ng Lunes.
Sa parehong mga araw sa Holy week, suspendido rin ang mga operasyon ng Philippine National Railways para bigyang-daan ang taunang rolling stock at engineering maintenance activities sa PNR.
Saklaw nito ang mga ruta mula Calamba hanggang Lucena; mula Naga hanggang Sipocot; at mula Naga hanggang Legazpi.

Sa ika-21 na rin ng abril magbabalik ang normal na operasyon ng PNR.