‘OPLAN BANTAY PADALA’ SA MGA DELAYED AT LOST PARCEL, ILULUNSAD NG DICT 

Manila, Philippines – Nakatakdang ilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ‘Oplan Bantay Padala’ na magsisilbing monitoring portal ng publiko na tumatanggap ng mga parcel mula sa Private Express and/or Messengerial Delivery Service (PEMEDES) o mga operators dito sa Pilipinas na nagdadala ng mga goods sa Bahay Bahay.

Sa Bantay Padala portal maaaring ireklamo at isumbong ng publiko ang mga courier kung nawala, nasira o hindi naideliver sa kanila ang mga parcel kahit bayad na.

Maaari ring ireport dito ang iba pang violation na magagawa ng courier delivery services sa pagitan ng kanilang customer. 

Tiniyak naman ng DICT sa publiko na poprotektahan ng nasabing portal ang personal na pagkakakilanlan ng nagrereklamo at nananatili itong anonymous.

Makikita naman sa portal ang real-time dashboard na nagpapakita ng bilang ng mga reklamo laban sa partikular na PEMEDES operators.

Samantala, binigyang diin ni DICT Secretary Henry Aguda na ang hakbang na ito ay alinsunod sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing responsable at may pananagutan sa publiko ang PEMEDES delivery services operators dito sa bansa at mas gawing dekalidad ang kanilang serbisyo.

Share this