ORAS NG BYAHE SA LRT AT MRT, MAS MAAGA NA BILANG PAGHAHANDA SA DAGSA NG MGA PASAHERO – DOTR

Manila, Philippines – Mas pinaaga na ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang kanilang operating hours simula December 16, 2024.

Sa anunsyong ibinaba ng Department of Transporation (DOTr) 4:30 ng umaga hanggang 10:34 ng gabi ang byahe ng MRT-3 sa North Avenue Station, habang 5:05 ng umaga hanggang 11:08 ng gabi tatakbo ang tren sa Taft Avenue Station.

Sa LRT line 2 naman mula Antipolo hanggang Recto alas-5 ng umaga magsisimula ang adjusted operating hours sa December 17 na magtatagal ng hanggang December 24 at 31.

Babalik naman ang orihinal na operasyon nito sa December 25 hanggang January 1.

Ang LRT-1 na pinasisinayaan naman ng Light Rail Manila Corporation, sa December 20-27 pa unang magsisimula ang commercial trip mula yan 4:30am hanggang 10:45pm na tatakbo mula Dr. Santos Station sa Parañaque hanggang Fernando Poe Jr. station sa Quezon City.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang operating hours ay pagbibigay daan sa mga pasaherong dadagsa sa papalapit na Christmas at New Year celebration.

Samantala, pinaplano na rin ng DOTr na palawakin ang iba pang operasyon ng mga pangunahing pampublikong trasnportasyon sa bansa para mas maraming masakyan ang mga commuters.

Share this