ORIENTAL MINDORO GOV., DISMAYADO SA PINSALA NG DIKE NA ISA SA MGA FLOOD CONTROL PROJECT MATAPOS NG INSPEKSYON

Oriental Mindoro, Philippines – Dismayado si Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor sa kinahinatnan ng mga dike na bahagi ng flood control project sa Barangay San Isidro, Bongabong. 

Sa isinagawang inspeksyon ni Gov. Dolor, nakita na gumuho na ang dike matapos lamang ng ilang pananalasa ng bagyo. 

Nitong nagdaang linggo, nakita pag-i-inspeksyon ng gobernador na puno lamang ng buhangin at hindi umano maayos ang pagkakabaon ng mga sheet pile.

Sa pagbabahagi ni Gov. Dolor, isa lamang ang nakita niyang bakal na isang kilometrong dike. 

Sa nakitang bakal sa kahabaan ng dike, maliit lamang ang sukat ng bakal na hindi dapat ginagamit para sa flood control project. 

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Director Gerald Pacanan, may pagkukulang sa workmanship ng contractor. 

Isa ang Oriental Mindoro sa mga probinsyang pinangalanan ni Pangulong Marcos na flood prone area.

Matatandaan na noong huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos, nanindigan siyang mananagot ang mga kontrastista sa substandard at palpak na flood control projects. 

Samantala, kasunod ng mga inspeksyon ni Pangulong Marcos sa mga palpak na flood control project, umani ng suporta mula sa iba’t ibang sektor ang paninindigan nito. 

Ayon kay Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman emeritus ng Filipinos Do no yield Movement, buo ang kaniyang suporta kay Pangulong Marcos sa mga pagtugis ng kontratistang palpak ang proyekto.

Ani Goitia, ang matapang at makatwirang pag-inspeksyon ng Pangulo ay pagpapakita rin na hindi papalagpasin ng administrasyon ang mga panloloko. 

Katulad na lamang ng agarang pag-uutos sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng imbestigasyon sa lahat ng flood control projects para matukoy kung saan napupunta ang pera ng taumbayan. 

Pinuri ni Goitia ang pamumuno Pangulong Marcos na hindi lamang tungkol sa pagpapatupad ng mga proyekto, kundi pagtitiyak na rin ng katapatan.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this