OSG, BUMUO NG SPECIAL TEAM PARA IMBESTIGAHAN SI BAMBAN TARLAC MAYOR ALICE GUO

MANILA PHILIPPINES – Bumuo na ng isang team ang Office of the Solicitor General o OSG para imbestigahan si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo kasunod ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Philippine Offshore Gaming Operator.

Kinumpirma ito mismo ni Solicitor General Menardo Guevarra at sinabing noong nakaraang linggo pa sila bumuo para tukuyin kung si Guo nga ay iligal na “humahawak o nagsasagawa ng pampublikong opisina.

Ani ni Guevarra kung mapapatunayan magsasagawa anya ang OSG ng quo warranto proceedings upang patalsikin sa puwesto ang alkalde.

Yes, I created a special team of solicitors last week to look into the matter and determine if there is good reason to believe that the subject is unlawfully holding or exercising a public office,” Guevara told reporters on Thursday.

Ang quo warranto proceeding ay isang legal na remedyo upang matukoy ang karapatan ng isang tao sa isang pampublikong opisina.

If it could be established by proof, the OSG will commence quo warranto proceedings to oust the person concerned,” dagdag pa niya.

READ: MAYOR ALICE GUO DENIES TIES WITH POGO FIRM

Sa isang pagdinig sa Senado noong nakaraang linggo, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na bigla nalamang lumutang ang pangalan ni Guo sa Bamban.

Dito inusisa ang kanyang background bago pumasok sa pulitika at kahina hinala umano ang kanyang citizenship.

Sa ngayon nakikipag ugnayan na si Guevarra sa ibat ibang ahensya ng Gobyerno para mangalap ng impormasyon hinggil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this