Manila, Philippines – Muling maglalabas ng panibagong album ang p-pop boy group na alamat na pinamagatang “Destino”.
Inanunsyo Nila yan sa kanilang social media account kasabay ng isang video kung saan Sinabi Nila na mahigit isang taon nila itong binuo .
Ang kanilang album na Destino ay kasunod ng anuna nilang album na pinamagatang “Isapuso” na inilabas nila noong 2023.
Ang grupong alamat ay kinabibilangan Nina Jao, Mo, Taneo, R-ji, Tomas, at Alas kung saan nabuo sila noong 2021 dahil sa kanilang hit song na “Maharani”.
Samantala ilalabas at mapapakinggan naman ang kanilang bagong album sa darating na November 21, 2025.