P0.22 TAAS SINGIL SA KURYENTE ASAHAN NGAYONG BUWAN 

Manila, Philippines – Matapos ang magkasunod na bawas singil sa kuryente nitong nakaraang buwan magkakaroon naman ng mas mataas na transmission charge na magdudulot ng dagdag singil sa kuryente nagyong Pebrero.

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na P0.22 kada kWh ang maaaring maging dagdag sa singil ng kuryente ngayon buwan na aabot sa P13.1734 kada kWh ang kabuuang rate para sa isang household family.

P45 naman ang katumbas na dagdag singil para sa mga residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh para sa kanilang kabuuang bill sa kuryente ngayong Pebrero.

Dahilan umano nito ang mas mataas na transmission charge na siyang pangunahing dahil ng dagdag singil sa kuryente ngayong buwan.

Bunsod din daw ito ng mas mataas na ancillary service charges mula sa Reserve Market na binabayaran ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Share this