P1-B PONDO PARA SA LGU ‘WASH’ PROGRAM, APRUBADO NA

MANILA, PHILIPPINES – Nilagdaan na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang pondo na hindi bababa sa P1 bilyon na nakatakdang ilaan para sa “WaSH” program sa mga piling lokal na pamahalaan sa bansa.

Layon ng pondong ito na mas palawakin at i-upgrade ang mga proyektong water, sanitation, at hygiene (WaSH) facilities sa 75 benepisyaryong local government units (LGU) sa buong bansa na kabilang sa 4th hanggang 6th income municipal classes.

Ani Pangandaman, ang Special Allotment Release Order at Notices of Cash Allocation na nagkakahalaga ng P1 bilyon ay manggagaling sa Local Government Support Fund, at ang magiging pangunahing pagkukunan ng pondo para sa pagpapabilis ng pagkamit sa ligtas at matatag na estado ng water supply at sanitation services sa mga munisipalidad sa bansa.

Dagdag nya, malaki rin ang magiging kontribusyon ng WASH program para mas lalong mapayabong ang mga imprastraktura ng water resource sa mga nahuhuling munisipalidad sa bansa, at para na rin sa pagpapapunlad ng antas ng ekonomiya at lipunan ng bansa.

By supporting the implementation of priority projects of LGUs, we invest in the growth and well-being of our local communities. It’s our commitment to progress and prosperity,” saad ni Pangandaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this