P104-M PINSALA NG MT. KANLAON SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

MANILA, PHILIPPINES – Dahil pa rin sa patuloy na aktibidad na ipinapakita ng Bulkang Kanlaon at posibleng phreatic explosion nito kung saan maraming pamilya at indibidwal ang naapektuhan umabot na sa mahigit P100 milyong halaga na ang pinsala na naidulot nito sa agriculture sector.

Sa isang panayan sinabi ni Office of the Civil Defense at Spokesperson Director Edgar Posadas na tinatayang aabot na sa P104-M ang pinsalang naidulot ng pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon sa sektor ng agrikultura sa Western Visayas at Central Visayas.

Ayon kay Posadas, batay daw yan sa inisyal na report ng Department of Agriculture (DA).

Sa tala ng National Disasater Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) apektado dyan ang nasa mahigit 800 ektarya ng mga lupain na nasira mula sa mga magsasaka.

Katumbas daw yan ng hindi bababa sa 3,900 metric tons na produksyon ng mga produktong agrikultura.

Apektado rin ang kabuhayan ng nasa mahigit 1,700 magsasaka at mangingisda.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng OCD-NDRRMC na pinagsama samang tulong na raw mula sa mga kinauukulang ahensya ang kanilang naipaabot sa mga apektadong rehiyon.

“Sa utos na rin po ng ating Pangulo at ng ating butihing Secretary ng National Defense at si Undersecretary Nepomuceno tutukan at patuloy yung coordination lahat po ng rehiyon sa region VI at VII,” sabi ni OCD-NDRRMC, Spokesperson Dir. Edgar Posadas.

“Dito po sa aming Camp Aguinaldo ay naka blue alert para mas makatutok lang po, atleast mga karagdagang safety first 50% po ng man power virtually at physically lalo na po yung ating mga uniformed services.” dagdag ps ni Posadas.

Sa ngayon nakataas pa rin sa alert level 2 ang bulkan habang nakasailalim pa rin sa state of calamity ang Kanlaon City sa Negros Oriental at La Castellanas sa Negros Occidental.

Matatandaang June 3 ng magkaroon ng explosive eruption ang Mt. Kanlaon na nagdulot ng makapal na usok at pag ulan ng mga abo na nakaapekto sa mga kalapit nitong bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this