P243-B UNPROGRAMMED FUNDS, HINDI SINANG-AYUNAN NG KAMARA NA IBASURA

Pormal nang ibinasura ng House of Representatives ang mosyon ni Akbayan Partylist Representative Atty. Chel Diokno na tanggalin ang PHP 243 billion pesos na unprogrammed appropriations para sa Fiscal year 2026.

Hindi inaprubahan ng mababang kapulungan ang mosyon ni atty. Diokno sa pamamagitan ng viva voce voting habang tinatalakay sa plenaryo ang amendments ng pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay House Appropriation Chair at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, tinanggal na ng budget amendments review subcommitte ang 35 million pesos para infrastructure projects mula sa 243 billion UA.

Aniya hindi kakayanin ng gobyerno kung sakaling tatanggalin ang contigent funding para sa mga foreign-assisted projects.

“We cannot afford to defund these projects because they are our commitments to multilateral and bilateral partners,” ani Suansing.

Ngunit nanindigan si Diokno na naging parallel budget system na rin ang pagkakaroon ng unprogrammed appropriation at iginiit pa rin ang kanyang mosyon.

“I therefore propose that we reduce to zero the UA line in the budget. We in the Akbayan party-list will not allow the use of the UA as a milking cow to drain public funds,” hiling ni Diokno.

Kamakailanman, naalarma ni Diokno patuloy na paglobo ng unprogrammed appropriations sa pondo ng gobyerno

Sa kabila ng paninindigan ng Akbayan, natalo ang mosyon sa pamamagitan ng nae at aye vote.

Share this