P29 NA BIGAS, MABIBILI SA MGA KADIWA STORE — PCO

Nagsimula nang magbenta ang Department of Agriculture ng bigas sa halagang P29 kada kilo sa limang tindahan ng Kadiwa Store sa Metro Manila, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Makabibili sa murang halaga ng bigas sa SA Kadiwa store ng ADC Building ng Department of Agriculture – Central Office sa Quezon City; Kadiwa Center sa loob ng Bureau of Plant Industry sa Malate, Maynila; Kadiwa Store along Llano Road in Barangay 167, Caloocan City; Kadiwa Store sa AMVA Housing, La Mesa Street sa Barangay Ugong, Valenzuela City; at Kadiwa Center sa PhilFIDA Compound, Talon Dos, Las Piñas City.

READ: LEYTE, NAGSIMULA NANG MAGBENTA NG P20/K NG BIGAS

Sinabi ng DA na ang bawat isang sambahayan ay maaaring bumili ng maximum 5 kilo ng bigas depende sa availability nito kung saan mayroon pang maaaring ibang bilhin katulad na lamang ng isda, itlog, sibuyas, bawang, gulay at prutas .

Ang Kadiwa Program ay isang flagship program ng Marcos Administration, na nagpapahintulot sa mga lokal na magsasaka na direktang ibenta ang kanilang mga produkto sa mga mamimili. Layunin nitong tulungan ang mga lokal na magsasaka na kumita ng mas malaki at mag-alok ng mas abot-kayang mga produkto sa mga mamimili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this