P3.1-M HIGH GRADE MARIJUANA, NASABAT NG PDEA SA ANTIPOLO

ANTIPOLO CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang 1,900 grams ng imported kush o high-grade Marijuana na nagkakahalaga ng mahigit sa P3 milyon sa Antipolo City.

Kinilala ang recipient ng droga, na si Zintaru Uy, isang 23 taong gulang, na residente ng Sitio Pantayanin, Dela Paz, Antipolo, Rizal.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing kush ay galing umano sa United States at ipinadala sa Port Clark noong ika-9 ng Mayo.

Nakapaloob ng mga iligal na droga sa apat na plastic pouch at ipinakita bilang hooded sweat shirts.

Alam umano ng suspek ang nilalaman ng mga parcel at hindi ito nanlaban sa pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad.

Isinagawa ang operasyon sa pakikiisa ng PDEA Central Luzon, Bureau of Customs-Port of Clark, PDEA Special Project Team, PDEA IS, PDEA ICFAS, PDEA CALABARZON, PNP AVSEU3, at ang lokal na pulisya.

Sasampahan ang consignee ng isang non-bailable offense sa ilalim ng paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this