Iloilo City – Nakumpiska ng Police Regional Office-6 ang nasa 813 grams ng shabu kasama ang 20 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng Php5.5 million at Php2.4 million sa Western Visayas.
Naaresto sa dalawang magkasunod na operasyon ng mga awtoridad ang nasa 16 na illegal drug peddlers.
Kinilala ang anim dito bilang high-valued individual at 10 naman ang street-level individuals.
Samantala, naitala naman sa Pavia, Iloilo ang pinakamalaking kolektang shabu na nasa 320 grams na nagkakahalaga ng Php 2.1 million, ayon ito sa PRO-6 Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU).
READ: P3.1-M HIGH GRADE MARIJUANA, NASABAT NG PDEA SA ANTIPOLO
Sa Negros Occidental naman, narecover ang nasa 20 grams ng marijuana na umabot sa Php2.4 million.
Samantala, binati naman ni Regional Director PBGen Jack L. Wanky ang naging matagumpay na mga operasyon.
“The seizure of these illegal drugs speaks of the dedication and hard work of our operatives on the ground. Let us remain united and connected with the community and other agencies as we intensify our endeavors to eradicate this society’s menace,” anya ni PBGen. Wanky.